-Daisy-“Simple lang, Rose. Business is business.” Malamig kong tiningnan ang mukha niya. “Hindi ko puwedeng ipasa sa Mirae ang ganoong klase ng design. Nakakahiya kay Mr. Torres. Sobrang laki ng tiwalang ibinigay niya sa akin tapos bibigyan ko lang siya ng design na walang kakwenta-kwenta?”Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. “Tinignan ko ang mga lumang design mo at ginaya ko lang ito! Kung basura ang design ko, eh di mas basura ang gawa mo!”Diretso niyang sinabi iyon habang dinuduro ako.“Ah, talaga? Ginaya mo nga ang design ko, but you removed the good parts at pinalitan mo ng basura. Kaya imbes na maging magandang design, naging katawa-tawa.”Nakita kong lalong namula ang mukha niya. At bago ko pa siya mapigilan, bigla niya akong sinugod.Akma niya akong sasampalin, pero mabilis akong umiwas. Sumablay ang kamay niya at tumama lamang sa hangin.Dahil sa lakas ng sariling galaw niya, nawalan siya ng balanse, at sa halip na basta matumba, pinag-isipan pa talaga niya ang pagbagsa
Last Updated : 2026-09-25 Read more