-Daisy-Tinitigan ko muna ang larawan. Grabe. Kahit stolen shot,parang modelo talaga. Agad ko iyong sinend kay Jessie. “Yan. Rate mo.”Excited akong naghintay ng reply niya. Hindi nagtagal, nag-pop up agad ang message niya.“Oh my God! Tao ba ’yan o Greek God?! Parang hindi siya totoo! Siyempre, perfect 10 ang rate ko diyan!”Napangisi ako. “Ako rin, eh. Perfect 10 sana ang score ko sa kanya, kaya lang walang kwenta.”Ilang segundo akong nakatitig sa screen bago ko naisipang dagdagan pa ang message.Magtatype pa sana ako ng, Napakasuplado nito at bastos pa, nang biglang bumukas ang pinto ng clinic.Napatingin ako roon. Pumasok ang isang matandang lalaki na may kulay-abong buhok. Kahit natatakpan ng makapal na salamin ang kanyang mga mata, kapansin-pansin pa rin ang bahagyang pagkasingkit ng mga ito. Mahaba rin ang kanyang balbas na halos umabot na sa kanyang dibdib, at kulay-abo rin ang mga hibla nito.Agad akong napatuwid ng upo. Ito na kaya si Dr. Lee?“Iho, tingnan mo itong nakuha
Last Updated : 2026-08-21 Read more