Sa reception, hindi bumitaw si Luo kay Ford. Sa buong oras ng dinner, siya mismo ang nag-aabot ng pagkain sa lalaki, ipinamumukha sa lahat, lalo na kay Naluo, na masaya siya sa pinili niya."You should eat," alaga niya kay Ford."I can do it myself, Luo," naiilang na bulong ni Ford."I know," ngumiti siya. "But I want to. Asawa mo na ako ngayon. Hayaan mo 'kong pagsilbihan ka."Napatingin si Ford sa paligid bago bumulong. "Luo... my brother is watching.""So?""Luo, please..."Tumawa siya nang mahina, tila walang takot. "Hayaan mo siyang manood. Ikaw, kumain na." Siya mismo ang kumuha ng pagkain at inilagay sa plato nito. "Eat."Ford obeyed, smiling softly. "You're really sweet today.""Ngayon lang?" biro niya. "Kabahan ka kung hindi.""You're usually sweet, but today you're...""Too much?"Ford smiled warmly. "Yes. Nakakapanibago lang."Hindi napigilan ni Luo ang sariling ngumiti. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas nang biglang lumapit si Naluo sa table nila. Agad na tumahimik ang
Last Updated : 2026-09-24 Read more