Kahit alam kong masasaktan lang ako sa ginagawa kong panonood sa kanila. Gusto ko pa rin silang makita na nasa maayos ang lagay. Pero ngayon sa nakita ko, mukhang mapapahamak lang ang mag-ama ko kapag tuluyan na silang mapunta sa kamay ni Diana. Ngunit, gayunpaman, ano nga ba ang laban ko? Kung sa kaniya naman ang pabor ni Sean at Xian. --- Nakatayo pa rin ako rito habang nakatingin ako sa kanila. Hindi naman nila ako pansin dito sa likuran atas lalong wala rin naman nakakakilala sa akin dito kaya malaya akong gumalaw. Ngunit, saglit lang, hindi ko inaasahan ang isang batang babae na humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kaniya hanggang sa bigla akong napangiti. "Hello po auntie. Ang ganda niyo naman po. Kumusta po kayo auntie?" Ang cute ng kaniyang boses. Ito ang unang beses kong mahawakan ng ibang bata. Paminsan-minsan pala, mas maigi na lumalabas ako ng bahay ay nakikipag-communicate sa iba. Kung ganito lang sana ang anak ko. Malamang mas lalo akong matutuwa. "Auntie, bakit
آخر تحديث : 2026-09-06 اقرأ المزيد