"Aba, grabe ka naman makapagsalita ng ganyan Xyriel. Parang hindi ka tunay na ina ng bata. Umayos ka nga!" inis na inis na sigaw ni Diana sabay buntong hininga niya. Napatawa ako sa loob ng isipan ko. Dahil noon pa lang naman alam ko na hindi marunong magluto si Diana. Kaya ngayon, nagpapalusot siya agad ng ganyan? Tsk! Sa simpleng gawain sa loob ng bahay, wala siyang kayang gawin. Dahil, para sa kaniya buhay prinsesa lang siya. Akmang magsasalita na sana ako. Pero, inunahan ako ng sakit sa likuran ko. Sana naman hindi mamaga ang likod ko. Kakagaling pa nga lang ng paa ko, tapos may bagong dadagdag. Hindi lang sakit sa ulo ang binigay nila sa akin. Kundi sakit na rin sa katawan ko. "Magluto ka na lang Xyriel. Ibigay mo na lang ang hiling ni Sean. Kaysa sa magreklamo ka diyan. Huwag mong kalimutan na trabaho ng isang ina na, pakainin ang anak niya, okay?" sabay taray niya. Grabeng palusot niya, style ni Diana nabubulok na. "Pwede ba Diana, huwag mo nga ako utusan ng ganyan
Last Updated : 2026-09-09 Read more