Hindi ko akalain na susunod sa akin ang asawa ko. Ngunit, hindi ko siya pinansin. Bagkus ay uminom lang ako ng tubig. Pero, sa hindi inaasahan, lumapit siya sa akin. Hinawakan ang braso ko at malamig na nakatitig sa mga mata ko. Mukhang ito na naman siya sa galit niya sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kaniya? Malamang sermon lang. "Come with me." Nanlaki ang mga mata ko sa hindi inaasahan na gagawin niya. Kinuha niya sa akin ang basong ginamit ko sa pag-inom at bigla niya akong binuhat. "Bakit? Bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin na may sugat sa mga paa mo?" Ramdam ko ang pag-aalala niya. Ngunit, imbis na matuwa ako ay nakaramdam lang ako ng inis. "Pwede bang ibaba mo ako Xian. Wala ka ng pakialam. Kahapon pa lang naman may sugat na ako sa paa. Pero, hindi mo napansin? Dahil wala ka naman pakialam sa akin 'di ba? Kaya naman, ibaba mo ako. Dahil, wala ka naman magagawa sa paa ko," galit kong wika. Ewan ko ba, hindi ko alam na basta-basta na lang din akong magaga
آخر تحديث : 2026-08-24 اقرأ المزيد