Nikolai Vetrov~•~Nagpalit kami ni Rafael ng pwesto sa kalagitnaan ng pagmamaneho.Sa kanyang opinyon, hindi ako mabilis magmaneho kaya ibinigay ko ang manibela sa kanya.Mabilis ko itong pinagsihan dahil pagkatapos niyon, nagkaroon ako ng oras at pagkakataon na suriin ang aking mga tawag at mensahe.Lolo, Elena, ang kanyang ama, Tiyo Viktor, ang kanyang asawa, at si Ivan. Ang lahat ng may hawak ng aking numero. Parehong nag-iingay ang dalawang telepono ko sa mga text. Hindi ko kailangang basahin ang mga ito para malaman kung ano'ng sinasabi nila.Gusto nilang lahat na malaman kung nasaan ako at gusto nilang bumalik ako kahit na dalawang oras na akong wala.“Patayin mo na lang o kung ano pa man,” bulong ni Rafael sa ilalim ng kanyang hininga nang tumunog ang aking telepono sa ikailang pagkakataon.Sa sandaling nagtatapos ang isang tawag, may isa pang pumasok. Hindi ko man lang siya maisisisi sa pagiging inis.“Hindi ko ito mapapatay. Baka makakuha ako ng mga update tungkol sa sitwasy
Última actualización : 2026-09-06 Leer más