Tahimik ang buong dining room ng Smith Mansion. Walang kumakain kahit puno ng pagkain ang mesa. Nasa gitna si Joanne. Hawak pa rin ni Margaret ang kamay niya sa kanan. Nasa kaliwa niya si Elias. Sa harap nila si Robert at Tita Elena. At sa dulo ng mesa, nakaupo si Nanay Lita na umiiyak, habang may dalawang guard sa likod. Nang makita ni Joanne si Lita, nagtaka siya at Napakunot ang noo. Dahil bakit naroon ang Nanay niya sa Smith mansion. “S-sandali! Ma? Bakit narito ka? Anong ginagawa mo dito?” Naguguluhan na tanong ni Joanne sa Nanay niya. Nang lalapit na sana siya kay Lita, mabilis siyang hinawakan sa kamay ni Margaret para matigilan siya. "Joanne, anak," simula ni Margaret. Nanginginig ang boses niya pero pinipilit niyang maging matatag. "Kailangan mong malaman ang totoo. Kung paano ka nawala sa amin."Tumango si Robert at siya na ang nagpatuloy. "Thirty years ago, anak. January 15, 1996. Sa Makati Medical Center ka pinanganak. Seven pounds, Malusog. Kamukhang-kamukha mo an
最終更新日 : 2026-08-31 続きを読む