LOGINSi Joanne Alonzo ay apat na taong nagtiis bilang asawa ni Miguel Villanueva – ngunit hindi pag-ibig o kwentong pag-ibig ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Isang kontrata lamang sa papel ang lahat, isang kasunduang kanyang pinirmahan para iligtas ang kanyang pamilya mula sa malaking utang noon. Akala ni Joanne ay makakaya niya ang lahat, na okay lang na magtiis. Ngunit nagkaroon ng kaguluhan nang bumalik si Jasmine De Leon sa buhay ni Miguel – ang babaeng tunay na minamahal ng lalaki. Kasama ni Jasmine ang kanyang anak sa pagbabalik, at nang malaman ito ni Miguel, agad siyang naghain ng file para sa divorce, tatlong buwan na mas maaga kaysa sa original na kasunduan. Ngunit may isang bagay na hindi alam ni Miguel. May dalawang anak si Joanne sa kanya. Ang panganay na si Yumi ay kamukhang-kamukha niya – isang sulyap pa lamang ay makikita agad na siya ang kanyang maliit na kopya. Habang siya ay nagpapagaling, nakahanap si Joanne ng sandalan kay Dr. Vince – isang mabait na lalaki na gumagalang sa kanya, ibang-iba kay Miguel. Habang lumalapit si Vince sa kanya, nagsimulang magbago ang ugali ni Miguel – nararamdaman niya ang pagkainis, pag-aalala, at pagkainis sa kanyang kaibigang si Vince. Mga emosyong matagal na niyang binalewala at hindi naramdaman noon. Ilang araw na lamang at matatapos na ang paghihirap ni Joanne sa piling ni Miguel. Malapit na silang pumirma ng mga papeles at makakalaya na siya. Ngunit paano kung sa mismong araw na iyon ay mabunyag ang lahat ng kanyang mga sikreto? Paano kung malaman ni Miguel na ang kambal na kanyang itinatago ay tunay na dugong Villanueva?
View MoreAng lakas ng ulan noong araw na ‘yon. Naiinip na naghihintay sa loob ng clinic si Joanne na tumila ang ulan pero parang walang pag-asa. Kaya naisipan niyang umalis na lang. Total nakuha naman niya ang dapat niyang makuha sa lugar na iyon. Paglabas niya sa OB-GYN clinic, nakayuko siya habang tinitingnan yong mga hawak niyang papeles. Hanggang sa hindi niya napansin na may tao pala sa tabi niya.
Hanggang sa nagkabunggo silang dalawa. Kumalat sa sahig yong mga papel na kanina lang ay hawak pa niya. Napatampal siya sa noo, at inis na tiningnan yong taong nakabunguan.
"Ay, pasensya na po," sabi niya agad at lumuhod para pulutin ang mga papeles. Napansin niyang umalis na yong taong nakabungguan niya.
Akmang dadampot na sana niya ang isang papel nang may tumapak doon. Napakagat na lang siya sa ibabang labi habang nakatingin sa itim na leather shoes na kumikintab at halatang mamahalin.
"Sir, pwede po ba paki-angat muna yong paa niyo?" nahihiya niyang sabi na hindi pa rin inaangat ang tingin.
Ngunit hindi ito sumagot, pero ramdam niya yong bigat ng titig nito. Hanggang may isa pang yumuko para tumulong sa kanya na pulutin yong mga papel. Tapos bigla itong sumigaw na hindi niya alam kung bakit.
"Reconstruction ng hymen?!" Nanigas si Joanne, dahil pamilyar na pamilyar yong boses na ‘yon. Dahan-dahan siyang tumingala at doon niya nakilala yong boses na sumigaw na sobrang arte.
Si Jasmine De Leon – ex ng asawa niyang si Miguel. Ang babaeng mahal nito mula noo pa. Ang babaeng dahilan kung bakit hindi siya magawang mahalin ni Miguel.
“That's mine!” Sabi ni Joanne at inagaw ang papel kaya napasinghap si Jasmine dahil doon. At saka bumaling sa katabi niyang lalaki. Si Miguel Villanueva ang lalaking tumapak sa papel. Sobrang maliit lang talaga ang mundo dahil sa dinami-dami ng pwedeng pagkakakitaan nilang tatlo ay sa ospital pa talaga.
"Masaya akong makita ka, Joanne," sabi ni Jasmine, at ngumiti ng plastik. Tapos sumandal pa siya sa braso ni Miguel na parang siya talaga ang asawa.
Ang kapal ng mukha!
Napangiti rin si Joanne ng peke. "Sana ganon din ang gusto ko para sa 'yo." Napakunot ang noo ni Jasmine dahil hindi niya naiintindihan ang sinabi ni Joanne.
Simula noong umuwi si Jasmine galing abroad kasama ang anak niya, mas pinabilis ni Miguel ang pagputol sa kontrata nila. Ginawa niyang hanggang tatlong buwan para mas maaga.At tatlong buwan na rin itong magkasama palagi.
"Kaya pala minadali mo yong divorce," diretso niyang sabi kay Miguel at may pang-iinsulto na tiningnan si Jasmine. “Dahil sa kabit mo?” Walang preno niyang tanong kaya umusok naman sa galit si Jasmine.
"Ano?! Ako kabit?!" Bulyaw ni Jasmine sa kanya kaya napatawa si Joanne.
“Hindi ba halata?” tumingin si Joanne kay Jasmine habang sinasabi iyon. “At ikaw kating-kati ka na bang makasama siya kaya mas pinaaga mo ang divorce?”
Nakita niyang umuusok sa galit si Jasmine. Buti na lang pinipigilan ito ni Miguel na huwag makisali sa usapan ng mag-asawa. Tatalikod na sana si Joanne nang biglang hinawakan ni Miguel ang braso niya. Mahigpit iyon kaya iwinaksi niya ang kamay nito pero mas lalo lang nitong hinigpitan.
“Joanne ! Ang kapal ng mukha mo! Mag-sorry ka kay Jasmine!” Sigaw ni Miguel pero tinaasan lang siya ni Joanne ng kilay.
“Ako, magso-sorry sa kanya? For what! Bakit, ano bang ginawa ko?” Matapang niyang tanong habang naka cross arm ang mga kamay sa didbib.
“Wala kang karapatan pagsalitaan siya!” tiim-bagang na sabi ni Miguel.
Napatawa si Joanne ng mahina. “Wala nga akong karapatan, pero wala din siyang karapatan para maging kabit! Hangga’t hindi pa tayo tuluyang nagdi-divorce!” Sigaw niya pabalik sa kanya.
Mas hinigpitan pa lalo ni Miguel ang pagkakahawak sa braso niya. Para bang balak nitong baliin ang mga buto niya. Mangiyak-ngiyak niyang tiningnan ng masama ang asawa.
"Bitawan mo ako," sabi niya habang nagtitimpi.
Pero hindi ito nakinig, lalo pa nitong diniinan ang braso niya kaya napangiwi siya sa sakit. Kunti na lang ay iiyak na sana siya pero sa gilid ng mga mata niya, nakita niya si Jasmine. Nakangiti, tuwang-tuwa dahil sa ginagawa ni Miguel sa kanya.
“Hindi ko na uulitin! Mag-sorry ka ngayon din," utos ulit ni Miguel sa kanya.
Ngumisi siya kahit masakit – gusto niyang ipakita na hindi na siya natatakot sa kanya. “Hindi ko rin uulitin. At sino ka para utusan ako?”
Natigilan si Miguel ng marinig iyon. “Sumasagot ka na! Ang sabi ko mag—” Hindi na ito natuloy pa ang sasabihin dahil malakas na siyang sumigaw. Wala na siyang pakialam kahit nasa pampublikong lugar pa sila. Ang gusto niya lang, bitiwan siya nito para makaalis na.
"Hindi!” Malakas niyang sigaw. Kinalas niya ang kamay nito sa braso niya at dinuro siya. “Simula ngayon, hindi na ako susunod sa 'yo. Hindi mo na ako pagmamay-ari!” Nanggagala-iti niyang sabi sa asawa.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tapang niya. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas para sigawan siya. Pero isa lang ang alam niya – pagod na siya sa lahat ng bagay, sobra na ang ilang taon niyang pagtitiis.
Umatras siya ng isang hakbang . Tiningnan niya si Jasmine ng nakakatakot , bigla itong nagtago sa likod ni Miguel kaya lihim siyang napangisi.
"Kailan ka pa natutong sumagot sa 'kin, Joanne?" seryosong tanong ni Miguel.
"Hindi ko rin alam kung kailan e. Siguro nauubos din yong pasensya ng isang tao. Tulad ng isang kandila, Miguel, unti-unting nauupos!” Mahina niyang sabi.
Ilang segundo silang nagkatitigan hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Yumuko siya saglit, sabay balik ng tingin kay Miguel.
"Hah! Akala mo kaya mo na akong takutin?" ngumisi ito sandali. “Isang bagay lang ang hinihingi ko! Mag-sorry ka kay Jasmine, ngayon din!” Inis niyang kinagat ang ibabang labi niya saka inayos ang buhok niyang nagulo at binalewala niya kung ano ang sinasabi ng asawa.
Mabilis ulit hinawakan ni Miguel ang braso niya. Namumula na iyon dahil sa pagkakahawak nito.
“Ang tigas ng ulo mo!” Malamig nitong sabi sa kanya.
“Saka na ako mag-sosorry kapag naging isa na siyang Mrs. Villanueva,” Sabi niya. “Ngayon kasi, disperadang kabit pa lang siya,” Insulto niya kay Jasmine.
Dahil doon susugod na sana si Jasmine. Buti na lang pinigilan siya ni Miguel.
"Huwag! " sabi ni Miguel at hinawakan sa beywang ang kabit niya.
Alam niya kung ano ang mangyayari kung hindi siya hihingi ng sorry. Pero wala siyang pakialam – hindi siya hihingi ng tawad kay Jasmine.
Tahimik ang loob ng kotse, pero parang may bagyong namumuo sa pagitan nina Miguel at Andrea.Sa backseat, tahimik na umiiyak si Milo. Apat na taong gulang pa lamang siya, pero pilit niyang pinipigilan ang paghikbi. Hawak niya ang tuhod niyang may maliit na gasgas na nilagyan ng panyo ni Joanne bago siya tuluyang hilahin ni Andrea palayo sa garden.Hindi naman ganoon kasakit ang sugat niya. Mas masakit para sa kaniya ang nangyari sa birthday party ni Hope.Hindi niya maintindihan kung bakit nagalit si Mama Andrea. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sinigawan ni Papa Miguel ang kaniyang ina. Ang alam lang niya, gusto niyang bumalik sa bahay nina Hope para makapaglaro silang muli.Sa driver's seat, mahigpit ang hawak ni Andrea sa manibela. Nanginginig ang mga daliri niya dahil sa galit at sama ng loob na kanina pa niya kinikimkim."Put*ngina talaga, Miguel! Nakita mo ba ang ginawa nila sa akin? Pinahiya nila tayo sa harap ng lahat! Tapos ikaw, ano ang ginawa mo? Kinampihan mo pa sila
Tahimik na ang buong garden matapos sumigaw ni Andrea. “WAG MONG HAWAKAN ANG ANAK KO!” Napahinto ang lahat ng bisita. Ang dating masayang selebrasyon ng ikalimang kaarawan ni Hope ay napalitan ng tensiyon at takot. Nasa sahig pa rin si Milo, hawak ang kaniyang tuhod na may maliit na gasgas. Hindi naman malalim ang sugat, pero umiiyak ang bata. Hindi lamang dahil sa sakit, kundi dahil sa sigawan ng mga matatanda sa paligid niya. Lumuhod si Joanne sa harap ni Milo. Gusto niya sanang tingnan ang sugat ng bata, pero hindi siya makalapit dahil nakaharang si Andrea. “Andrea, tama na. Bata lang sila. Naglalaro lang naman sila. Gasgas lang 'yan, kaya puwede nating linisin at lagyan ng gamot,” mahinahong paliwanag ni Joanne kahit nangingilid na rin ang luha sa mga mata niya. “Gasgas lang sa paningin mo kasi hindi mo anak!” sigaw ni Andrea. “Anak ko 'yan! Ako ang ina niya! Wala kang karapatang hawakan siya, at wala kang karapatang pagsabihan siya!” Napatayo si Joanne. Hindi siya makapaniw
Nasa sahig pa rin non si Milo, hawak ang tuhod na may gasgas. At dumudugo nang kaunti, pero hindi naman malala. Hindi siya umiiyak dahil sa sugat, kundi dahil sa takot. Takot siyang makita ni Andrea na may dugo siya at may kalat sa sahig.Kasi sa bahay nila kapag si Andrea lang ang kasama niya, pag may kalat siya pinapagalitan siya. Pag may dumi ang damit niya, sinisigawan siya. Kaya nung nakita niyang may dugo ang tuhod niya at nadumihan ang shorts niya, ang unang pumasok sa isip ng apat na taong gulang na bata, mapapagalitan siya ng Mommy niya. "Wag po... wag po Tita... sorry po..." umiiyak na sabi ni Milo kay Joanne na papalapit na sa kanya, habang nanginginig ang kamay."Milo, anak, hindi kita papagalitan.Hindi kita aawayin. Titingnan lang ni Tita yung sugat mo ha? Konting gasgas lang yan, lagyan natin ng band-aid," malambing na sabi ni Joanne.Lumuhod agad si Joanne sa lupa , hindi alintana na madumihan ang dress niya. Aabutin na sana niya si Milo para tingnan ang sugat.Pero
Si Andrea naman, hindi man lang ngumiti pabalik kay Joanne. Ang mata niya, nasa loob ng bahay. Tinitignan niya ang mga larawan sa pader — family picture nina Joanne, Vince, at ng tatlong bata. Tinitignan niya kung paano kabisado ni Miguel ang bahay na ito, kung paano siya dumiretso sa kusina para kumuha ng plato nang hindi na nagpapaalam. Kung paano siya tawagin nina Yumi at Sky na "Daddy Migs". Para siyang parte pa rin ng pamilyang ito. At doon sumakit ang dibdib ni Andrea. Na malapit pa rin sa puso ng lalaki ang pamilya ni Joanne, bagay na dapat ay sa kanya. "Pasok kayo, Andrea. Kumain muna kayo," sabi ni Vince na lumapit at inabutan ng kamay si Miguel para kumustahin. "Pasensya na kayo, Joanne, Vince ha. Biglaan lang, nagpumilit kasing sumama si Andrea. Gusto niya raw makilala si Hope," bulong ni Miguel na halatang hiyang-hiya. Umupo si Andrea sa isang upuan sa pinakagilid, malayo sa handaan. Karga niya pa rin si Milo kahit gusto nang bumaba ni Milo at makipaglaro. Ang mg






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore