Pagsapit ng gabi, mga bandang alas-syete ng gabi. Sa loob ng 30 years, ngayon lang ulit naging maingay ang dining room ng Smith Mansion.Dati, apat lang ang upuan na may plato. Si Robert sa dulo, si Margaret sa kabila, si Elias sa kanan, at isang bakanteng upuan na may nakahandang plato, baso, at kutsara — para kay Joanne. Kahit 30 years nang wala siya, hindi pinagalaw ni Margaret. Araw-araw hinuhugasan, araw-araw pinapalitan.Ngayong gabi, hindi na bakante ang upuang iyon.Nakaupo na si Joanne doon. Sa kaliwa niya si Yumi, sa kanan si Sky . Parehong nakabihis ng maayos dahil sabi ni Margaret, "First official family dinner niyo to bilang Smith."Sa kabilang side ng mahabang mesa, magkatabi pero hindi magkadikit — si Miguel at si Dr. Vince. Naroon din sila dahil inimbitahan ng magulang ni Joanne. Si Miguel naka-long sleeves para takpan ang benda sa braso galing sa suntukan sa school kahapon. Tahimik, nakayuko, pero paminsan-minsan sumusulyap sa kambal. Si Vince naman naka-polo pa r
Terakhir Diperbarui : 2026-09-03 Baca selengkapnya