Hinila ni Joanne ang kumot para takpan ang hubad niyang katawan. Inis niyang tinapunan ng tingin si Miguel. "Bweset ka, kahit inuwi mo ako kagabi, hindi mo dapat ako tratuhin nang ganito." Sigaw ni Joanne Naalala ni Joanne ang nangyari kagabi. Biglang sumagi sa isip niya ang isang eksena. Parang… nawalan ng malay si Miguel dahil hinampas niya ito gamit ang cellphone niya. Nang makita niya ang bukol sa noo nito, parang tama nga ang alaala niya. Malamang hindi pa siya nakarating sa gusto nitong mangyari. Kaya medyo gumaan ang pakiramdam niya.Nagalit si Miguel sa pagiging maingat ni Joanne. Kahit siya naman yung nag-alaga sa kanya kagabi. Tapos ngayon, magpapaka-inosente na naman? "Nakakatawa! Nagpapaka-malinis ka at mabait ka na naman ngayon!Joanne , hindi ko alam na magaling ka palang umarte ah.Hindi ka naman ganyan kagabi." Sabi ni Miguel. Nang makita ni Joanne yong malamig na pang-iinis, paghamak, at pang-aalipusta sa mata nito, sumikip ang dibdib niya. M
Last Updated : 2026-08-17 Read more