Si Andrea naman, hindi man lang ngumiti pabalik kay Joanne. Ang mata niya, nasa loob ng bahay. Tinitignan niya ang mga larawan sa pader — family picture nina Joanne, Vince, at ng tatlong bata. Tinitignan niya kung paano kabisado ni Miguel ang bahay na ito, kung paano siya dumiretso sa kusina para kumuha ng plato nang hindi na nagpapaalam. Kung paano siya tawagin nina Yumi at Sky na "Daddy Migs". Para siyang parte pa rin ng pamilyang ito. At doon sumakit ang dibdib ni Andrea. Na malapit pa rin sa puso ng lalaki ang pamilya ni Joanne, bagay na dapat ay sa kanya. "Pasok kayo, Andrea. Kumain muna kayo," sabi ni Vince na lumapit at inabutan ng kamay si Miguel para kumustahin. "Pasensya na kayo, Joanne, Vince ha. Biglaan lang, nagpumilit kasing sumama si Andrea. Gusto niya raw makilala si Hope," bulong ni Miguel na halatang hiyang-hiya. Umupo si Andrea sa isang upuan sa pinakagilid, malayo sa handaan. Karga niya pa rin si Milo kahit gusto nang bumaba ni Milo at makipaglaro. Ang mg
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-23 อ่านเพิ่มเติม