Dalawang buwan na si James. "Xander." Sabi ko habang nakaupo kami sa sala. Nasa crib si James at tulog. "Dalawang buwan na anak natin.""Oo." Sabi niya. Hinawakan kamay ko. "Ang bilis. Parang kailan lang, takot na takot pa tayo hawakan siya kasi ang liit."Tumawa ako. "Oo nga. Ngayon ang bigat na niya."Mas malaki na talaga si James. 10 lbs na. Chubby na pisngi. Yung mukha niya, mas kita na kamukha ni Xander. Yung ilong, yung bibig. Pero yung mata, sakin daw sabi ni Mama.---*WEEK 5 TO WEEK 6*Mas gumaan na buhay namin. Hindi na survival mode. Adjustment mode na."Xander." Sabi ko. "Napansin mo? 4 hours na tulog niya sa gabi.""Oo." Sabi niya. "Kaya nakakatulog na din tayo ng 4 hours.""Luxury na yun." Tawa ko.Natutunan na din namin yung mga iyak niya. Pag gutom, iyak na madiin. Pag antok, iyak na paungol. Pag may gas, iyak na pumipilipit. Kabisado na namin.Tapos nangyari yung isa sa mga hinihintay namin."Xander!" Bulong ko. 2AM. "Tumingin siya sakin.""Sigurado ka?" B
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-02 อ่านเพิ่มเติม