Sabado ngayon at katulad ng nakasanayan naming pamilya, it's our official family day. Walang pasok si Lucian kaya buong oras niya ay nakalaan lang sa amin. Magpi-picnic kami ngayon kasama ang parents ko. Habang busy ako sa kwarto sa pag-aayos ng mga gagamitin namin, nakatayo sa tabi ko si Serenity. Hawak niya ang maliit niyang bag at sinusubukang ipasok doon ang paborito niyang teddy bear. Napatitig siya sa akin at sa bahagyang umbok na tiyan ko. “Mommy?” mahina niyang tawag sa akin habang nakaturo ang maliit niyang daliri sa tiyan ko. “Yes, baby?” nakangiti kong tanong habang nagliligpit ng damit. “Why is your tummy getting big?” tanong niya habang kumukurap ang malalaki niyang mata. “Did you eat a big ball?” Natawa ako nang malakas sa tanong ng anak namin. “No, baby. Mommy didn't eat a ball.”
Última actualización : 2026-08-31 Leer más