"Ewan ko sa'yo," irap ni Jaime habang pilit na pinapanatili ang kanyang matigas na mukha kahit mabilis na tumitibok ang kanyang dibdib. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Tapusin mo na nga 'yang kinakain mo nang makaalis na tayo rito. Nauubos ang oras ko sa mga kahibangan mo.""Oo na, eto na po, kumakain na," natatawang tugon ni Tristan, masayang-masaya habang pinapanood ang pamumula ng tainga ng dalaga."Grabe naman, galit agad…" nakangusong wika ni Tristan, sabay lapit nang bahagya sa mesa habang nagpapakita ng mukhang nag-aawa, kunwari. "Nagbibiro lang naman, Doc. Hindi ka naman mabiro ngayon."Sinubukan ni Jaime na panatilihin ang kanyang seryoso at matigas na mukha, ngunit dahil sa itsura ng binata, muntik na siyang mapangiti. Sa halip ay lalo niyang tiningnan nang masama si Tristan."Hindi ako galit," depensa ni Jaime habang muling dinampot ang kanyang kubyertos. "Naiinis lang ako dahil masyado kang madaldal at mahilig kang mag-assume. Tumigil ka na riyan kung ayaw mong iwan kita ri
Última actualización : 2026-08-10 Leer más