Ngunit sa sandaling iyon, habang tinititigan ni Jaime ang tikas at paraan ng pananalita ng lalaki, biglang nag-sink in sa kanyang isip ang isang bagay: Hindi lang basta-basta guest ang lalaking ito. Ang paraan ng pagpapalakad nito, ang pag-address ng mga staff, at ang kumpiyansa sa sarili—lahat ay nag-iisang senyales na siya ang nagmamay-ari o may mataas na posisyon dito.Sa pagkaalarma at pag-iwas sa anumang komplikasyon, agad na umurong ang loob ni Jaime."Ah, Sir, hindi na. Bibili na lang ako. Salamat," malamig niyang sabi, sabay mabilis na tumalikod para maglakad palayo.Napakunot ang noo ni Tristan sa narinig. "Ah Okay"Ngunit bago pa makalayo ang dalaga, lumingon ulit si Jaime sa kanya. Agad namang nabuhayan si Tristan, lumawak ang ngiti sa kanyang labi, at naghandang sumagot. "Yes?""Saan pala ang mini-shop dito?" tanong ni Jaime, pilit na pinapanatili ang pagiging pormal."Ah, sa may left side ng reception. Gusto mo samahan k—""Ah, hindi na. Salamat," mabilis na putol ni Jaim
Last Updated : 2026-08-01 Read more