"Kevin, gusto ko ng gano'n," medyo hilo na sabi ni Jaime habang itinuro ang hawak na baso ng katabing estranghero sa kabilang dulo, sabay sulyap sa baso ni Tristan ngunit diretsong lumampas ang mga mata."Whiskey, Ma'am?" tanong ni Kevin."Yeah, whiskey," sagot ni Jaime."Right away, Ma'am." mabilis na tugon naman ni Kevin na bartenderSa kabilang gilid, napapikit na lamang si Tristan sa tindi ng inis at pagka-frustrate. Hawak-hawak niya mismo ang baso ng whiskey sa kanyang kamay. Kitang-kita ng dalaga ang inumin na iyon, ngunit ni minsan ay hindi man lang siya tinapunan ng kahit simpleng tingin, lalo na ng ngiti.Pagkalapag ni Kevin ng bagong order na baso, agad itong kinuha ni Jaime. "Thanks, Kevin," maikling wika niya bago isinubo ang unang lagok.Ngunit wala pang isang segundo ay bigla siyang nabulunan at napaatras." Whoa… Sh't!" malakas na wika ni Jaime. Napaasim ang mukha habang hawak ang lalamunan. "Ganito ba talaga katapang ang lasa nito?"Dahil sa pagkalasing at pagkabigla,
Dernière mise à jour : 2026-08-06 Read More