ZARIE’S POVKinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Ang aking dibdib ay puno ng halo-halong dsmdamin pag-asa, takot, at ang pagnanais na malaman kung bakit hindi siya dumating. Hindi ako naghanda nang masyado, sapat na ang maging maayos ang aking sarili, at huminga ako nang malalim bago lumabas ng silid.Hindi ko alam kung saan siya makikita, ngunit tila may sariling isip ang mga paa ko dinala ako nito sa lugar kung saan madalas kaming magkita. Sa kanto, sa maliit na kapehan, sa daanan na dati ay sabay naming nilalakaran. At doon nga, sa tapat ng lumang tindahan, nakita ko siya.Si Lucas.Nakatayo siya roon, nakatalikod sandali, at nang lumingon siya tla tumigil ang mundo ko. Ang mukha niya ay ang parehong mukhang pinagmasdan ko nang paulit-ulit sa isipan ko, ngunit mayroong ibang kakaiba sa kaniyang mga mata. Wala ang dating ngiti, wala ang init na dati ay sumasalubong sa akin. Malamig. Walang emosyon. Parang hindi niya ako kilala.Dali-dali akong lumapit, ang aking puso ay kuma
Last Updated : 2026-09-10 Read more