"Iligpit mo ang lahat ng gamit mo sa maalikabok na silid na 'yon at lumipat ka na sa master suite simula sa gabing ito," malamig at madiin kong utos habang nakatayo ako sa pinto ng kaniyang maliit na quarters, hawak ang gintong susi ng aking silid.Napatigil si Ayesha sa pag-aayos ng kaniyang maikling maid uniform. Inilagay niya ang basahan sa ibabaw ng wooden chest bago dahan-dahang humarap sa akin, ang kaniyang mga mata ay may halong matinding kalituhan at panginginig. Ang maaliwalas na liwanag mula sa lamp post sa labas ay humahagip sa kaniyang panga, nagpapalabas sa kaniyang natural na ganda na matagal kong pilit na itinago sa ilalim ng aking galit."Sir Keith, hindi po nababago ng kontrata natin na ako ay katulong lang sa bahay na 'to," pabulong ngunit may firmness niyang sagot habang nananatiling nakatayo sa kaniyang kinaroroonan. "Wala po sa tungkulin ko ang lumipat sa silid niyo.""I don't give a damn about the contract anymore, Ayesha!" asik ko habang mabilis akong pumasok sa
Last Updated : 2026-08-19 Read more