Sa party ay ramdam ni Kiera ang mga matang nakatutok sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin. Inisip niyang baka sa mga nag-uusyosong taong lamang iyon dahil maituturing na bagong mukha siya sa pagtitipon na iyon. Ang hindi niya alam, bawat pagkibot niya, pagkilos, pagngiti, at pagbuka ng kanyang bibig ay nakarehistro sa mga mata ng isang lalaking mag-isang umiinom sa malayu-layo. Nakamasid ito sa kanya. Hindi na matagpuan ang kasama nitong babae kanina dahil nainis ito sa kanya. "Ma'am Kiera, magbabanyo muna ako, ha?" Paalam ni Troy. Nakarami kasi ito ng inom ng juice dahil sa kaba. Ito kasi ang kauna-unahang beses nito sa ganoong kabigating pagtitipon. Nang mawala si Troy ay naglapitan na ang ilang kalalakihang kanina pa gustong mag-usyoso kay Kiera. "Hi, Miss..." Bati nila. "Let us introduce ourselves first. I'm..." At isa-isa silang nagpakilala, ngunit wala ni isa sa mga pangalan nila ang naalala ni Kiera. "Ngayon ka lang namin nakita sa mga ganitong party. Puro mga elite at
Huling Na-update : 2026-11-07 Magbasa pa