Nag-ipon lang ng lakas ng loob si Belle kaya nito nagawang magpasaring ng pagbabanta kay Leon. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao para patatagin ang kanyang kalooban. "Alam ko na ang tungkol sa contract marriage niyong dalawa. Nakita ko sa drawer mo yung contract." Kumitid ang mga mata ni Leon. "Pinakialaman mo ang gamit ko? Paano at sino ang nagpapasok sa'yo sa opisina ko?" "Hindi na mahalaga yun... So, all this time, naglalaro lang pala kayong dalawa, at napaniwala niyo ako." Bigla siyang ngumisi. "Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ito ng pamilya mo, lalo na ni Lolo Leon?" Leonardo ang buong pangalan ng matandang Hawthorne at dito isinunod ang pangalan ni Leon dahil siya ang tagapagmana nito. Kumitid ang mga mata ni Leon. "About our marriage contract, that's none of your business. Belle, binabalaan kita, wala kang pagsasabihan ng tungkol sa nalaman mo, maging sa mommy mo, o sa kahit na sino." "At bakit naman kita susundin, eh, sa nakikita ko ngayon, mukhang gusto mo na
Última atualização : 2026-09-22 Ler mais