Mabilis na tumalikod si Wendell. "Um... S-sorry, Sir, Miss Kiera. Gusto ko lang ipaalala na ang meeting with the foreign investors ay 10 minutes na lang. Um... S-sige po, puwede n'yo na pong ituloy." At dali-dali itong lumabas ng office.Nagtawa si Leon nang makita ang pamumula ng mukha ni Kiera. "See? I told you," ani Leon at hinalikan niya ito sa pisngi.Itinulak ni Kiera si Leon at nagtatakbo palabas ng office. Bago pa siya makalabas ay tinawag pa ito ng lalaki."Can I request something?""S-sige, ano ba 'yun?""Can you cook me paella? Nami-miss ko na kasi 'yun, eh. Puwede kang magpatulong kay Belle, kasi nilutuan na niya ako nun dati."'Kay Belle?' Ngumiti si Kiera. "Alright. Sige, lulutuan kita."Pag-alis sa kumpanya ni Leon ay tinawagan niya si Belle. "Hello, Belle, may ginagawa ka ba?""Wala naman, bakit?" walang ganang tanong ng dalaga."Pwede ba akong magpatulong sa'yo sa pagluluto ng paella? Nag-request kasi ang Kuya Leon mo, eh.""Mm. Sige ba!" Tila biglang sumigla an
Last Updated : 2026-09-11 Read more