Ang hawak kong sulat galing sa agency ang nag-iisang natitirang pag-asa ko. Habang naglalakad ako papasok sa napakahabang driveway ng Salvatore mansion, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Late afternoon na at nagsisimula nang mag-agaw ang dilim at liwanag, pero mas lalong nagmumukhang nakakatakot ang higanteng mansyon sa harap ko. Cold, intimidating, and painfully beautiful. Para siyang kastilyo na gawa sa bato na walang ni isang patak ng init. "Pakiusap, Lord, kahit ito lang," bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang kupas na blazer na hiniram ko pa sa kapitbahay namin. Ito na ang pinakamagandang damit na mayroon ako, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang kahirapan ko habang nakatayo sa harap ng malalaking pintuang gawa sa mahogany. Bawat patak ng oras, umaandar ang interes ng medical bills ni Nanay sa ospital. Kung hindi ko makuha ang trabahong ito ngayon, hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa Dialysis niya sa susunod na linggo. Ang takot na matalo at mawalan ng
Last Updated : 2026-08-05 Read more