Malaki ang ngiti ni Donya nang lingunin niya ako, bakas ang garbo. "Of course, dear! I would never raise my children in a cramped space if I didn't make this empire happen."Habang naglalakad kami, may iilang trabahador ang magalang na bumabati sa amin. "Donya Emelda, hindi namin alam na bibisita ka po ngayon rito sa farm," isang matandang lalaki ang lumapit sa amin, may dala-dalang malaking basket na puno ng bagong pitas na mangga."Lucio, hindi na kailangan ng pormalidad. May kasama kasi akong napakaimportanteng bisita ngayon..." Sabay silang lumingon sa direksyon ko. Pilit akong ngumiti. "This is Addison... Caius's wife," pagpapakilala ng Donya. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Manong Lucio sa narinig, at nagmadali siya sa pagyuko. "Ikinagagalak ko po kayong makilala, Señorita Addison," saad niya, bakas ang gulat sa kaniyang boses. Nabigla ako. Señorita? Sobrang pormal naman ng trato nila sa akin! Nakakahiya!"S-Salamat po, Manong," nanginginig kong sagot. "Hindi namin
Last Updated : 2026-09-10 Read more