"Why are you so surprised, Addison? Do you like him that much?" bulong ni Caius sa aking gilid. Isang baritono at malamig na boses na pilit kong iniwasan.Kunot-noo ko siyang binalingan nang magkasalubong ang aming mga tingin. Seryoso, madilim, at matalim ang kaniyang titig sa akin, na para bang kahit anong oras ay kaya niya akong buhatin at ilabas paalis rito."Siyempre, nakakabigla naman kasi," dahilan ko sa kaniya saka ko siya inirapan.Akala ko talaga ay simpleng trabahador lang itong si Logan. Iyon pala, isa rin siyang Salvatore! Kung ganoon, bakit niya pa naisipang tumulong sa pag-aani rito kung may sarili naman siyang trabaho? So, ibig sabihin, he manages a corporate entity under their prominent family name as well?"Logan is my eldest daughter's adoptive child, Addison," masayang paliwanag ni Donya Emelda nang mapansin ang pagkabigla ko. "He is a Salvatore and Caius's legal nephew."Napatingin ako kay Logan na tahimik lang na nagpatuloy sa pagsubo ng kaniyang pagkain.Tumango
Last Updated : 2026-10-09 Read more