Dumating ang pinakahihintay, at para kay Alessandro, ang pinaka kinatatakutang araw. Alas-sais pa lang ng umaga, ay ang pamilyar na sikat ng araw ay pumasok sa malaking bintana, ngunit sa halip na ang mahimbing at tahimik na kapaligiran ang mamayani, nagmumula sa dressing room ang walang katapusang yabag ng mga paa at ang tunog ng nagtatamaang zipper. Nakatayo si Alessandro sa harap ng full-length mirror. Nakasuot siya ng kaniyang paboritong dark navy tailored suit, ngunit sa pagkakataong ito, hindi pantay ang kaniyang necktie, isang bagay na hindi kailanman nangyari sa kaniyang buong buhay. Ang kaniyang mga daliri ay bahagyang nanginginig habang pilit na iniaayos ang buhol nito. "Alessandro, my love, breath," malambing na pakiusap ni Celestine habang dahan-dahang lumalapit mula sa kaniyang likuran. Nakaayos na si Celestine, nakasuot ng isang simpleng maternity dress na kulay cream na lalong nagpapalitaw sa kaniyang magandang aura at bumubukol na tiyan. Lumapit siya sa asawa, inali
Last Updated : 2026-09-04 Read more