Hindi nagsayang ng kahit isang segundo si Alessandro.Walang tamang proseso, walang legal na hakbang. At lalong walang paghihintay sa mabagal na imbestigasyon ng pulisya.Bago pa man siya bumaba sa underground command center, dinala muna niya ang kaniyang telepono sa balkonahe upang tawagan si Alejandro. Ang boses ng kaniyang pinsan sa kabilang linya ay malamig, garalgal, at punong-puno pa rin ng matinding pagdadalamhati mula sa nangyari sa kaniyang asawang si Karolina, isang paalala kay Alessandro na ang bawat segundo ay buhay ang katapat."Alejandro," pabulong ngunit mariing panimula ni Alessandro. "I know you have your own problems right now. Alam kong guguho na ang mundo mo dahil sa nangyari kay Karolina, pero kailangan ko ang tulong mo ngayon.""Anong nangyari?" mahina ngunit seryosong tanong ni Alejandro sa kabilang linya."Nakatakas si Raya sa psychiatric facility. She's loose, Alejandro," diretsahang pahayag ni Alessandro. "Since you’re the governor, I need you to pull some st
Last Updated : 2026-09-10 Read more