Tatalikod na sana si Alessandro at tuluyang aalis sa silid nang biglang umalingawngaw sa buong paligid ang isang malakas, paos, at nakakakilabot na tawa galing kay Victor. "Hahahahaha! Ha-hahahaha!"Humagalpak ng tawa si Victor habang pilit na bumabangon mula sa marbol na sahig, hawak-hawak ang kaniyang namumulang leeg. Ang kaniyang mukha ay namumula sa galit, ngunit ang kaniyang mga mata ay puno ng matinding panggigigil at diring-diri habang nakatitig sa likod niya."You really think you're a god, don't you, Virelli?" sigaw ni Victor, sabay spit ng kaunting dugo sa sahig at pilit na tumayo nang tuwid. "Look at you! A filthy, arrogant bastard playing dress-up in an Italian suit! Dinudumihan mo lang ang pangalan ng mga Sterling!"Napatigil si Alessandro sa kaniyang paghakbang. Dahan-dahan siyang lumingon pabalik, ang kaniyang mga mata ay kasing-dilim ng gabi, walang anumang emosyon habang pinapanood ang naghihingalong matanda."You think you won just because you figured out my bloodli
Last Updated : 2026-09-18 Read more