INICIAR SESIÓNHindi na dapat isipin ni Celine si Drake.Iyon ang una niyang sinabi sa sarili nang gabing iyon.At dahil alam niyang hindi sapat ang simpleng huwag mo siyang isipin, nagpasya siyang gumawa ng bagay na matagal na niyang iniiwasan.Magtrabaho.Kung hindi niya kayang patahimikin ang isip niya, pagurin na lang niya ang mga kamay niya.Kinabukasan, inilabas niya mula sa ilalim ng mesa ang kahong ilang taon na niyang hindi binubuksan.Mga tela.Mga lumang sketch.Mga sample ng burda.At isang folder na may nakasulat na dalawang salita.Second Skin.Matagal niyang tinitigan iyon.Ito ang collection na muling magbabandera ng reputasyon ni Celine.Ngayon, gusto niya itong tapusin.Hindi para kay Drake.Hindi para patunayan sa kahit kanino na kaya niya.Kundi dahil sa unang pagkakataon, naisip niyang baka panahon na para kunin niya pabalik ang isang bagay na matagal niyang isinuko.Umupo siya sa harap ng drafting table.Kumuha ng lapis.At nagsimulang gumuhit.Ang unang linya ay nanginginig.Bin
Hindi niya maintindihan kung kailan eksaktong nagsimulang magbago ang lahat.Noong una, kumbinsido si Drake na pera lamang ang habol ni Celine sa kanya.Iyon ang pinakamadaling paliwanag.Mas madaling paniwalaan iyon kaysa amining minahal siya ng isang babaeng hindi niya kayang mahalin nang tama.Kaya nang sabihin ni Elise ang mga bagay na matagal nang ayaw niyang marinig tungkol sa asawa, pinili niyang maniwala.Pera lang ang habol sa’yo ni Celine.Hindi ka niya mahal.Kung wala kang pera, hindi ka niya pipiliin.Unti-unti, pinaniwala ni Drake ang sarili niya.Hanggang sa naging malamig siya.Binawasan niya ang atensiyon.Inalis ang mga bagay na dati niyang kusang ibinibigay kay Celine.At nang tuluyan niyang hilingin ang diborsiyo, inaasahan niyang lalaban ito.Inaasahan niyang iiyak.Magmamakaawa.Tatanungin siya kung ano ang gagawin niya para hindi ito iwan.Ngunit wala sa mga iyon ang ginawa ni Celine.Tinanggap niya.At pagkatapos, siya mismo ang tuluyang bumitaw.Iyon ang bagay
Sa wakas, natapos din. Matagal na nakatitig si Celine sa damit na nakasabit sa mannequin sa gitna ng atelier. Hindi na niya mabilang kung ilang gabi niyang pinilit tapusin iyon. Ilang beses niya itong hinubad mula sa mannequin. Ilang beses niya ring binuksan ang tahi, pinutol ang sinulid, at nagsimulang muli. May mga gabing pakiramdam niya ay hindi niya kayang hawakan ang tela nang hindi bumabalik ang sakit. May mga umagang sapat na ang isang simpleng tunog ng gunting para maalala niya ang mga panahong kasama pa niya si Drake. Pero ngayon… Tahimik na ang lahat. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi na niya nakikita ang damit bilang alaala ng nakaraan. Nakikita niya ito bilang sarili niya. Lumapit siya. Marahan niyang hinaplos ang manggas. Ang telang dating tila mabigat sa kanyang mga kamay ay ngayo’y magaan na. Parang sa wakas, natutuhan na nitong huminga kasama niya. Napangiti si Celine. “Finally.” Isang salita. Pero para sa kanya, parang isang
Hindi agad binawi ni Celine ang kamay niya na hawak ni Rafael nang alalayan siya. Sandali silang nagkatitigan, kapwa tila nakalimutan kung ano ang dapat nilang sabihin. Hanggang sa unang bumitaw si Celine. “Coffee meeting lang ito.” Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Rafael. “ I know.” “Walang ibang ibig sabihin.” “Wala.” “Good.” “Very good.” Napakunot-noo siya sa sagot nito. “Bakit parang natutuwa ka?” “Dahil hindi mo sinabi na ayaw mong maulit.” Napatigil siya. Hindi niya alam kung anong isasagot. Muling uminit ang pisngi niya kaya kinuha niya ang tasa at kunwari’y naging abala sa kape. “Babalik ako sa fashion.” Napatingin sa kanya si Rafael. “Sigurado ka?” Hindi agad siya sumagot. Sa isip niya, muling sumagi ang larawan ni Drake at Elise—ang halik na minsang nagdurog sa buong pagkatao niya. At sa pagkakataong iyon, hindi na niya naramdaman ang dating sakit. Galit na lamang. “Hindi dahil gusto kong makita ako ni Drake,” mahinahon niya
Tatlong beses nang tinangkang tapusin ni Celine ang gown.Tatlong beses din niya itong iniwan.Nasa atelier siya nang gabing iyon, mag-isa. Nasa harap niya ang ivory gown na tatlong taon nang naghihintay na matapos.Hinawakan niya ang karayom.Isa-isang sinundan ng daliri niya ang mga burdang bulaklak sa dibdib ng damit. Maganda pa rin ang tela. Maganda pa rin ang pagkakagawa.Pero may kulang.Hindi niya malaman kung ano, at mas nakakainis dahil dati, alam na niya agad kung saan pupunta ang bawat tahi.Tinusok niya ang karayom.Mali.Hinugot niya.Sinubukan ulit.Mali na naman.Napabuntong-hininga siya at napaupo.“Bakit hindi kita matapos?”Parang tinatanong niya ang sarili niya.Hindi lang naman gown ang hindi niya matapos.May isang bahagi ng buhay niya na tila naiwan din sa damit na iyon.Noong ginagawa niya iyon, malapit na ang kasal nila ni Drake. Punong-puno siya ng pangarap. Akala niya pagkatapos ng kasal, babalik siya sa fashion nang mas malakas.Napatingin siya sa invitation
Ang unang bagay na naramdaman ni Drake nang magising siya ay ang bigat ng ulo niya.Ang pangalawa ay ang kakaibang amoy ng gamot sa hangin.At ang pangatlo—isang pamilyar na pabango.Napadilat siya.Hindi niya agad nakilala ang kwarto. Malabo ang paningin niya at ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago niya napagtantong nasa sarili niyang silid siya.Huminga siya nang malalim.Masakit.Parang may dumadagundong sa loob ng ulo niya.“Dam* it…”Sinubukan niyang bumangon.Mali.Agad siyang napahawak sa sentido.“Sir?”Napalingon siya sa pinto.Nandoon ang kasambahay, may dalang tray.“Good morning, Sir.”“Anong oras na?”“Almost eleven.”Napakunot ang noo niya.Eleven?Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi.“Who brought me home?”Nagkatinginan ang mga mata ng kasambahay at tila nag-alangan.“Sir…”“Who?”“Si Ma'am Celine po.”Nanigas siya.Sa isang iglap, bumalik ang ilang piraso ng alaala.Isang malamig na parking lot. Ang sariling mga paa niyang halos hindi makatayo.At isang







