Elysia Mireille Severino’s Point of View Nalaglag ang aking panga, habang nakatingin sa kaniya. Parang ang hirap paniwalaan na nagawa niya akong unahan sa gagawin ko.Kukunin ko lang naman ang order namin, pero bakit kailangan pang hindi siya papuntahin dito?Hindi inilihis ni Aeron ang kaniyang mga mata, hanggang sa tuluyan akong napahugot nang malalim na hininga.“Hindi naman kailangan na siya ang magdala ng pagkain natin,” sambit ko, dahil alam ko naman na kahit secretary niya ‘yon, kung ako naman ang nag-order, ako dapat ang gumagawa.Nang umalingawngaw ang doorbell, pinindot ulit ni Aeron ang kaniyang intercom.“Come in,” utos niya, saka itinuon ang kaniyang atensyon sa pagpipirma ng mga document.Humugot na lamang ako nang malalim na hininga, at tinapunan ng tingin ang secretary niya.Mabagal akong naglakad patungo sa kaniyang gawi, at tinulungan siya sa pagbubuhat.“Good afternoon po. Ma’am, saan po ilalagay?”“Sa center table na lang,” sambit ko, at naunang maglakad papunta s
Last Updated : 2026-09-16 Read more