Elysia Mireille Severino’s Point of View Napatitig na lang ako sa plato ko na kung saan ay punong-puno ng pagkain. Tinitingnan ko pa lang, parang alam ko na kaagad na hindi ko ‘to mauubos.“Uubusin ko kung hindi mo kayang ubusin,” pahayag niya na siyang nagpaangat naman ng aking tingin, at sinalubong ang mga mata niya. “Pero marami kang binili.”Umangat lang ang sulok ng kaniyang labi, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kanan. Dumaan ang kislap sa kaniyang mga mata. Kaya napakurap ako, at nahigit ang aking hininga.“I know. Sinadya ko talaga, dahil baka marami kang kainin,” paliwanag niya, at naglagay ng pagkain sa kaniyang plato. “Pero kung hindi mo kayang maubos, ayos lang. I can finish that. Don’t worry.”Napatango na lang ako, at hindi na nagsalita pa. Medyo nabibingi na rin kasi ako sa tibok ng puso ko, at parang hindi na ako makahinga nang maayos. Kaya pinili ko na lamang na kumain nang tahimik, kahit na lalo akong naiilang sa katahimikan.“Maaga ang out ko mamaya,” anu
Last Updated : 2026-09-30 Read more