Elysia Mireille Severino’s Point of ViewPagdating namin kaagad sa kaniyang condo, ibinaba niya sa countertop ang mga pinamili namin. Tinulungan ko na rin siya sa pagbubuhat lalo na ‘yong mga gamit ko, dahil ‘yon lang ang kaya kong buhatin, at inilapag ‘yon sa sofa.Napasulyap ako sa air conditioner. Magmula nang pumasok kami rito sa kaniyang condo, malamig na rito. Medyo napaisip tuloy ako kung pinapatay niya ba ‘to sa tuwing lalabas siya, o kung ano.Bigla kong naramdaman ang kaniyang presensya na papalapit sa akin. Kaya humarap ako sa kaniya.“‘Yong session,” paalala niya na siyang nagpakurap naman sa akin.“Huh?”Tumigil siya sa aking harapan, at madilim ang kaniyang mga matang nakatuon sa akin. Napaatras naman ako.“A-anong session?” nauutal kong wika, at napalunok na lamang.Inilihis ko rin ang aking mga mata, at nagtangkang lampasan sana siya para magpunta sa kusina, ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng kaniyang bisig. Iniharang nito ang kaniyang bisig sa aking harapan,
Last Updated : 2026-08-20 Read more