Elysia Mireille Severino’s Point of View“B-busy ka yata, hindi ba?” kinakabahan kong tanong, habang nanatiling nakatingala.Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin, tila gustong kabisaduhin ang bawat ekspresyon ng mukha ko. “May mga kailangan ka pang asikasuhin.”Kung tutuusin kasi, hindi ito ang tamang oras para roon. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong mag-isip, pero kung gagawin namin ni Aeron ngayon, baka makalimutan ko na naman ang lahat.‘Yon kasi talaga ang ayaw ko. Sa kaunting halik at haplos niya sa akin, tuluyan kong nakakalimutan ang pangamba, at mga katanungan sa isip ko.Alam kong kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Pero paano ko ‘yon gagawin kung sa tuwing nasa tabi ko si Aeron, nakakalimutan ko na kaagad?“I can make time for you, Mielle,” bulong niya, bago umangat ang isang kilay niya. “Takot ka ba?”Nanlaki ang aking mga mata, kasabay ng pagkalaglag ng aking panga. Hindi ko alam kung bakit niya ‘yon naitanong sa akin. Nakalimutan ko bang
Terakhir Diperbarui : 2026-11-16 Baca selengkapnya