MasukTahimik ulit. “Kamusta ka na ba? I mean, okay na ba ang pakiramdam mo ngayon. Last time kasi nung nalasing ka umiiyak ka parin e.” Napabuntong hininga ito ng malalim at nagsalita ulit. “The reason why I don't bother you anymore is because I don't want to see you." May kung anong kumirot sa dibdib ni Isabella ng marinig ‘yon sa lalaki. Nabigla siya at hindi niya alam kung paano mag re-react sa inamin nito. “Ah— sorry, dapat pala hindi na ako pumun—“ “I don't want to see you sad and crying anymore. I might not be able to control myself.” Dugtong nito at pinutol ang sinasabi niya. Natahimik nanaman si Isabella. Kanina lang ay nasasaktan siya sa sinabi nito pero ngayon bigla-biglang gumaan agad ang loob niya. Pero hindi niya parin makuha ang pinupunto ni Devlin kaya ipinagpatuloy nya nalang ang pananahimik. “(Kase baka hindi ko ma-kontrol ang sarili ko, baka sa susunod yakapin na kita habang umiiyak ka, baka sa susunod hindi na ako umalis sa tabi mo at baka ipagtapat ko nang ako
Sa kabilang banda naman si Devlin di maalis ang ngiti sa labi habang busy sa pagluluto. Lalo siyang ginanahan sa pagluluto dahil kakain siya kasama ang babae. Makaraan ang ilang sandali unti-unting humarap ulit si Isabella sa gawi ni Devlin gusto niyang makita kung anong niluluto nito at kung bakit ganoon ka bango iyon.Pero imbes na sa niluluto nito siya tumingin ay mas nakaagaw ng pansin ang malalapad na balikat at likod ng lalaki, medyo masikip na ang suot nitong white polo na nakatupi sa bandang siko, medyo basa parin ang buhok. Aaminin niyang humanga nga siya sa natuklasan dito ngayon, bukod sa matalino, magaling sa trabaho at business, tapos may alam din pala sa gawaing bahay. Tipid siyang napangiti habang pinag mamasdan ito. Pero biglang pumait ang ngiti niya ng maalala ang nabasang mensahe kanina sa laptop nito “Sino kaya yon?”Nawala ang ngiti sa mukha at napalitan ng pagkaseryoso. “Kreggy? Pag bigkas palang halatang maarte na, ginawa pang parang pangalan ng aso!” Mahinang
“Ah— ah, lalabas na muna ako saglit—“ "Anong nabasa mo?" tanong ni Devlin, mas lumapit pa. Ngayon halos ilang pulgada na lang ang layo nila. Kita ni Isabella ang patak ng tubig na dumadaan sa collarbone ni Devlin pababa sa dibdib nito."Wala! Wala akong nabasa!”Namula si Isabella dahil sa sobrang lapit ni Devlin sa kanya. Amoy na amoy niya ang ginamit nitong body wash lalo na ang bango ng mint flavor sa hininga nito. Napatingin siya sa mga mata ng lalaki at sa unang pagkakataon parang biglang bumagal ang ikot ng mundo. Halos marinig niya na ang tibok ng puso niya, Yung mata nitong kulay ice gray halos ang nagpatigas sakanya sa kinatatayuan niya. Hindi siya nakaiwas lalo na nang ibaba niya ang tingin sa labi nitong bahagyang nakabukas.“A-anong gina-gawa mo..” napapikit ng mariin si Isabella ng hindi na halos makadaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa dahil sa tuloy-tuloy na paglapit ni Devlin. Naramdaman niya ang init ng katawan nito saglit at napamulat siya nang bigla iyon nawal
EL FUEGO TOWER | CEO OFFICE | 8:30 AM“Good morning Ma’am Isabella” Bati ni Mara sa among kakadating lamang. “Good morning” maikli at mahinang sabi ni Isabella bago tuluyang dumiretso sa opisina niya. Makaraan ang ilang minuto habang nag pipirma siya ng mga folder na nakabinbin na for approval saglit siyang natigilan ng mabasa ang pangalan ni devlin sa hawak niyang folder ngayon. Ito ay ang folder ng pipirmahan niyang pag re-construct ng joint project nila sa site. Bigla niyang naalala ang lalaki.Isang linggo.Mahigit isang linggo na rin mula nung gabi ng celebration sa site — nung nanalo sila sa kaso, nung nag-inuman ang buong workers at napainom rin siya. Nung hinatid siya nito sa mansion, Yun ang huling kita niya sa lalaki. Hindi na rin ito nag papadala ng kape sakanya twing umaga. Naisip niyang mas mainam nga iyon pero parang may kung ano sa loob niya na naghahanap sa prisensya nito.Sanay naman siya na siya mismo ang umiiwas. Pero nung siya na ang hindi pinapansin, doon siya k
VIP WING HOSPITAL | 3:45 PMBihira dalhin ni Isabella ang kambal sa ospital. Pero ngayong araw, wala siyang choice. Gustong ring sumama ng mga ito.Naka-simple attire lang si Isabella — Peach dress above the knee, light make-up and heels. Sa kanang kamay niya si Luna na gustong terno sila ng suot kaya naman naka peach dress din ito. Sa kaliwa naman si Liam na seryoso ang mukha habang nakasunod sa paglalakad.“Mom, does Mamita know that we are going to visit her now?” Tanong ni Luna sakanya kaya napalingon siya dito habang nag hihintay sa labas ng elevator.“Nope!, love. Mommy has good news for her.""What good news?" tanong ni Liam, mahina boses."I found someone for the boutique. Finally, Mommy can rest a little."*Ding!*Bumukas ang elevator sa 2nd floor para magsakay. At sa loob, may isang lalaki. Nakayuko at may chini-check sa hawak na chart.Naka-white coat, may stethoscope sa bulsa, may hawak na chart. halatang galing sa rounds. Matangkad, Half French na mukha. Malinis tignan at
BGC CONDO | 11:45 AM“Bwiset!” Padabog na binuksan ni Andrea ang pinto ng condo unit nila ni Oliver. Halos masira ang doorknob sa lakas ng paghila niya. Ang buhok niya na kaninang plantsado at maayos noong umalis para sa interview sa Greenbelt, ngayon ay magulo na, may ilang hibla na nakadikit sa pawisan niyang noo. Ang blazer niya na pinaghandaan niya pa kagabi, pinili niya sa cabinet nang matagal para magmukhang luxury sales agent, ngayon ay lukot na dahil sa pag kaladkad sakanya ng mga gwardiya, parang hindi na mababalik sa dating porma. Ang pisngi niya namumula, mainit, at may maliit na pasa sa gilid ng labi niya dahil sa lakas ng sampal na tinamo.Si Oliver nasa sala. Nakaupo sa couch. Naka-white t-shirt na lukot, naka-shorts, hawak ang isang mug ng kape. Buong araw lang nakatitig sa cellphone at sa kisame.Pagkarinig sa malakas na pagbukas ng pinto, napatingin si Oliver."Balak mo bang sirain ang pinto?"Hindi sumagot si Andrea. Binitawan niya ang bag niya sa sahig nang padabog.







