Lexi Ignacio POV Nakatayo pa rin ako sa likod ng haligi habang hawak ang dibdib ko. Ang boses ni Ethan noong nasa telepono siya, his tone, the sheer authority in his voice—hindi iyon boses ng isang empleyadong tumatanggap lang ng utos mula kay Adrian. That was the voice of a man who was used to making the calls. Kinaumagahan, hindi ko na kayang idenial ang mga naiisip ko. Pagkaalis na pagkaalis ni Adrian para sa board meeting, hinarang ko agad si Ethan habang naglalakad siya pabalik mula sa perimeter check sa may garden. "Kailangan natin mag-usap," bungad ko agad. Tumingin sa akin si Ethan, perfectly calm at walang kahit anong bakas ng kaba sa mukha. "Good morning, Lexi. Is there something wrong?" "Huwag mo akong idadaan sa cold at professional guard routine mo, Ethan," inis kong sabi habang itinuturo ang dibdib niya. "Narinig kita kagabi. Narinig ko ang tawag mo." Bahagyang tumaas ang kabilang kilay niya, pero hindi siya nagulat. "Nang-eespiya ka na naman?" "I was standing rig
Last Updated : 2026-08-17 Read more