"Sigurado ka ba dito, Owen? Hindi mo naman kailangang gawin ito," ani Sania sa lalaki habang lulan ng sasakyan nito.Dalawang araw na simula nang makalabas siya sa hospital. Sinunod naman nito ang pangakong hindi nito sasabihin kay Logan na buntis siya pero may kondisyon iyon.Bagot na binalingan ni Owen si Sania na nasa passengers seat. "As I have said, the moment I rescued you on that night means you are now under my responsibility. At iyang dinadala mo ay anak ng kaibigan ko. I can't just leave you alone now. And besides, you can't do anything about it. It's either you'll come with me or I'll tell Logan about your case."Ibinaling ni Sania ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan at hindi na umimik pa. Nagkaroon pa silang dalawa ng pagtatalo doon sa hospital tungkol sa kanyang sitwasyon at kung bakit ayaw niyang sabihin kay Logan. At bakit pa niya sasabihin? Ngayon pa na may asawa na ito? Para ano? Ayaw niyang isipin nito at ng iba na inihahabol pa niya ang sarili gamit ang bat
Last Updated : 2026-10-16 Read more