Muling umupo si Damian sa harap ni Aling Victoria. Kitang-kita ang tensiyon sa mukha ni Aling Victoria.“Ano po ang problema kay Eliana, Aling Victoria?” Basag ni Damian sa katahimikan. Sa sobrang kaba ni Aling Victoria ay ipinagkiskis niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa.“Sir, sa totoo lang, hindi ko po kayang sabihin sa inyo. Pero hindi rin po ako puwedeng manahimik na lang. Si Miss Eliana po kasi…” Sandaling natigilan si Aling Victoria bago malalim na bumuntong-hininga. Sinubukan ni Damian na manatiling kalmado, ngunit hindi niya maalis ang masamang kutob na biglang sumagi sa kanyang isip.“Eliana, ano po iyon, Aling Victoria?” muling tanong niya. Huminga nang malalim si Aling Victoria at tumingin kay Damian.“May sakit po si Miss Eliana.” Nagulat si Damian.“Anong sakit po, Aling Victoria?” Kumunot ang noo ni Damian habang nag-aantay sa sagot ng matanda.“Hay… ano po kasi, Sir…. Hindi ko po alam kung pa’no ko sasabihin. Kaninang hapon, sinamahan ko si Ma’am Eliana sa psy
Last Updated : 2026-08-22 Read more