Nang tuluyang humina ang ulan ay naging mas tahimik na ang paligid. May naiwan pa ring amoy ng basang lupa sa hangin. Katatayo pa lang ni Eliana mula sa kanyang kinauupuan sa lobby nang lumapit si Fiona na, gaya ng dati, ay puno ng energy.“Uy, Eliana! May alam akong bagong lugar na sobrang viral ngayon sa social media. Tara, hang out naman tayo. Alam mo na. Malapit lang din naman ‘yon from here. Dalawang block, nandoon na tayo. See, tumila na rin ang ulan,” masiglang aya ni Fiona.Sandaling nag-alangan si Eliana, pero nang makita ang masayang mukha ni Fiona ay tuluyan na rin siyang tumango. “Okay, fine. Mukhang kailangan ko rin ng kaunting pahinga. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos,” mahina niyang sabi. Agad silang lumabas ng lobby ng office. Kaunti na lamang ang tao roon dahil kanina pang umuwi ang karamihan sa mga empleyado.Isang linggo pa lamang na bukas ang café na pinuntahan nila.Modern ang interior design at napaka-aesthetic. May mga lights na bumabalot sa buo
Last Updated : 2026-08-31 Read more