Magkasabay na naglalakad sina Damian at Eliana sa dalampasigan. Hindi pa gaanong karami ang mga tao roon. Naririnig ang huni ng mga ibon habang marahang umiihip ang hangin mula sa dagat, kaya naman hindi maiwasang magulo ang buhok ni Eliana. Hawak na lamang niya ngayon ang beach hat na kanina ay suot niya. Paminsan-minsan, inaayos ni Damian ang mga hiblang tumatakip sa mukha ni Eliana, at sa bawat banayad na paghaplos nito, napapatungo ang kanyang ulo dahil sa kaba.Huminto sila sa ilalim ng puno ng niyog at umupo sa maliit na banig na dala nila. Inayos ni Eliana ang mga pagkaing inihanda niya kaninang umaga. May mga sandwich, fruit juice, iba't ibang prutas, at mga meryenda. Agad kumuha si Damian ng sandwich na ginawa ni Eliana. Kahit nag-breakfast na sila bago umalis, para bang hindi talaga nauubusan ng gana ang lalaki."It’s good.""Talaga? Ako ang nag-prepare n’yan. If you want, pwede ko rin po kayong pabaunan sa office," sabi ni Eliana."That’s a promise, Eliana." Hindi tumitig
Dernière mise à jour : 2026-08-28 Read More