“Of course!” Walang pag-aalinlangang pumayag si Xenia. Ano naman ang big deal kung magdadala siya ng best friend? Bukod pa roon, siguradong mayaman o makapangyarihan din ang kaibigan ng babaeng ito. Hindi kaya isa sa apat na pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa?Kung ipapakita niya kung gaano siya ka-hospitable, baka magkaroon pa siya ng advantage at opportunity. Umikot ang mga mata ni Xenia bago siya lumapit kay Stella at nagpapanggap na close sila ng dalaga.“Miss Martin, nasaan po ang kaibigan ninyo? Kung hindi siya makapunta rito nang mag-isa, puwede naman po akong magpadala ng taong susundo sa kanya. No worries, I got you. I’ll make sure that she will be here safe!”“There’s no need for that.” Bahagyang ngumiti si Stella. “Actually, she’s with me. Nasa itaas siya ngayon. And since Valderrama family ang host tonight, natural lang na kailangan ko munang mag-ask ng permission bago ako magdala ng bisita.”“Miss Martin, napakagalang ninyo naman. Halatang-halata na galing kayo sa ma
Last Updated : 2026-10-09 Read more