“Oh, ikaw pala si Dr. Cody?” Biglang binawi ni Dalia ang kamay niyang nakikipagkamay pa rito. “Ang dakilang matchmaker nina Xeline at Noah?” Hindi napansin ni Cody ang biglaang pagbabago ng ekspresyon sa mga mata ni Dalia. Lagi niyang iniisip na ginamit s’yang instrument para magkakilala sina Noah at Xeline, at matagal na rin niyang pinaniniwalaang siya ang dahilan kung bakit nakatagpo si Noah ng babaeng para sa kanya. Kaya inayos niya ang suot niyang puting coat. May bahagyang pagmamalaki sa boses niya nang ngumiti siya kay Dalia. “You’re right, sa totoo lang, wala naman talaga ako masyadong naitulong. I believe they are truly destined to be together. Ako lang naman ang—” “You mean, hindi pa pagtulong ang tawag mo do'n?” putol ni Dalia, sabay taas ng boses. “Napaka-ignorant mo naman, Dr. Cody!” Kumunot ang noo ni Cody. Ngayon lang niya napansin ang kakaibang ekspresyon nito. “Dr. Cody, as what you just said, isa kang doctor. Ang pagkakaalam ko kasi, pagliligtas at paggamot sa
Last Updated : 2026-10-02 Read more