“Ako si Xeline.” Ngumiti siya kay Cody. “Mahabang kuwento. Ikuwento ko sa’yo nang maayos next time.” Natigilan si Cody sandali bago malakas na tumawa. “Ah, okay. Kahit ikaw si Xenia o si Xeline, ang mahalaga, isa ka pa ring galing sa Valderrama family. Hindi naman nasayang ang effort ko sa pagiging matchmaker sa inyong dalawa.” “By the way, kamusta na kayo ni Noah? Simula nang lumipat kayo, nagpunta rin ako sa medical school sa Manila para mag-aral. Kaya hindi na tayo gaanong nagkaroon ng time na magkita-kita.” “Maayos naman kami.” Mahinang sagot ni Xeline. “Kung gusto mo, dumaan ka sa bahay namin pagkatapos ng duty mo. Matagal ka na ring hindi nakikita ni Noah. Magluluto ako ng dinner at para na rin makapag-inuman kayong dalawa.” “Huwag na, huwag ka ng mag-abala.” Umiling si Cody habang nakangiti. “Marami pa akong medical records na kailangang pag-aralan dito.” Nang mabanggit niya ang medical records, bigla niyang naalala ang nangyari sa kuwarto kanina. “Ah, iyong kan
Last Updated : 2026-09-28 Read more