Nagsimula ang meeting ng mga director. Ipinakilala ni Douglas si Xeline sa kanila at idiniscuss din ang mga roles na gagampanan nito sa company. Tahimik na lang ang mga shareholder at ang feeling ni Xeline, isa-isa siya nitong hinuhusgahan. Kahit na may mga pagdududa sila sa ability ni Xeline, nagpakita pa rin sila ng magalang na pag-welcome sa kanya. “Congrats, Miss Xeline.” Kahit sila ay hindi pa rin sigurado kung sino ba ang magiging true heiress ng pamilya, maingat sila sa bawat salita at kilos nila. Sa ganitong sitwasyon, ang pinakamatalinong gawin ay kuhanin ang loob ng parehong anak ni Douglas Valderrama. Nang matapos ang meeting, nagsimula nang lumabas ang mga tao. Nagligpit din si Xeline ng mga gamit at sumunod sa kanila nang pupuntahan na sana niya ang bago niyang office, pero pagdating niya sa lobby, kung saan maraming taong naglalakad pabalik-balik, bigla niyang narinig ang pagtawag ng isang tao mula sa kaniyang likuran. “Xeline!” Paglingon niya, isang malakas na s
Last Updated : 2026-10-19 Read more