Makikita ang pagbabago ng ekspresyon ni Dalia habang ina-analyze ang mga sinabi ni Xeline. If ilalagay niya ang sarili niya sa sitwasyon ni Xeline, for sure mas uunahin niya ang sarili niyang interest. After all, hindi naman siya santo. “You know what, Xeline? I think kulang ako ng basic judgment pagdating sa isang tao,” natatawang sabi ni Dalia. “Sa tingin ng iba, masyado kang tahimik at hindi masyadong nakikipag-usap. If they only knew, iba talaga yung logic mo.” “Ano ka ba, Ate Dalia? Hindi naman lahat ng assumptions ko ay laging tama.” Bahagyang ngumiti si Xeline. “Pero ang advice sa akin ni Noah, better daw na laging maging maingat sa mga tao or sa kahit anong bagay na gagawin. Na-mention din niya na para sa mga nasa higher position, for sure na napakahirap din ng path na dinaanan nila para makarating kung nasa’n sila ngayon. Pero hindi naman lahat makikita kung gaano ka complex ’yon.” “Life mentor mo pala ang asawa mo eh.” Pang-aasar ni Dalia, mas pinili ni Xeline na ma
최신 업데이트 : 2026-09-05 더 보기