Kailangan ni Xeline ng sapat na pahinga para gumaling ang kanyang mga sugat, kaya dinala siya ni Noah sa bahay upang siya mismo ang mag-alaga rito. Noong una, nag-aalala pa si Xeline. Hindi marunong sa gawaing-bahay si Noah, at problema pa nga sa kanya ang simpleng pagluluto. Dahil hindi pa siya masyadong makatayo at makalakad, siguradong magugulo ang buong bahay. Pero nang buhatin siya ni Noah at ipasok sa bahay, nagulat siya ng makitang malinis at maayos ang buong bahay. Nasa tamang lugar ang lahat, at halos walang pinagkaiba sa hitsura nito bago siya naaksidente. “Okay naman, ‘di ba?” mahinang tanong ni Noah habang nakangiti. Napangiti si Xeline nang nakita ang mga mata ni Noah na parang batang naghihintay ng compliment pagkatapos magawa ng maayos ang isang bagay. Noon pa man, ramdam ni Xeline na marami pa siyang hindi alam tungkol sa asawa. Aside sa pagiging interested nito sa mga financial news, pagiging magaling pagdating sa iba’t ibang languages ay hindi niya in-expect na ma
Last Updated : 2026-09-13 Read more