“Nakita niyo ba ’yon? Praktikal din talaga ang mga lalaki.” Mahinang tumawa ang isang babae. “Kahit masama ang reputasyon ni Miss Sabrina, anak pa rin siya ng isang mayamang pamilya. Paano siya maikukumpara kay Xeline?” “Hay, isipin n’yo ’yon sa harap pa mismong ng napakaraming tao, iniwan niya si Xeline para hawakan ang kamay ng iba. Kawawa naman si Xeline. Halos ibigay na ni Xeline ang lahat ng meron siya sa asawa niya, tapos ganito lang ang gagawin niya.” “Lesson learned, hindi talaga dapat masyadong sinuspoil ang mga lalaki!” Tuluyang nablangko ang isip ni Xeline at hindi na niya napansin ang mga bulong-bulungan ng mga tao. Natigilan siya sa kinatatayuan habang pinapanood si Noah. “Honey, ano bang…” “Hon, muntik mo nang masaktan si Miss Sabrina.” Bahagyang ngumiti si Noah, saka tumingin kay Sabrina. “Ayos ka lang ba?” Nabigla sa tuwa si Sabrina at agad na hinawakan ang kamay ni Noah. Kitang-kita ang pananabik sa mga mata nito habang nakangiti kay Noah. “Ang isan
最終更新日 : 2026-09-19 続きを読む