OKAY, okay. Sabi ko sa sarili ko, tama na. Tapos, na, ayoko na. At hindi ko hahayaan na masira ang buong buhay ko nang dahil lang sa iang elevator moment na ‘yon with my boss - na ipinanganak yata para lumandi sa mga intern at magsalita ng mga salitang nakakapanlambot ng tuhod. NO WAY!Kailangan kong magpaka-mature. Of course, I am mature. I am professional, I am cold - kasing lamig ng tirang Adobo na galing sa freezer. Tama. Dapat, this time, Ice Queen levels. Elsa who? Kaya ginawa ko ang dapat ginagawa ng isang strong, independent, dangerously- horny woman - in-initiate ko ang Ghost Protocol.Meetings? Aba, nagkunwari akong nasa ibang floor. Or nasa kabilang buhay, kung ano man ang p’wede. Coffee? Nag-decaf ako, girl. Para lang hindi ko siya makasalubong sa pantry. Emails? Cordial, robotic. Hanggang ‘noted, sir’, ‘will do, sir’ lang ang drama ko. Walang smiley, walang kahit na ano. Ultimo fashion sense ko nga, iniba ko rin kahit magmukha akong madre. Turtlenecks in Manila heat? Yes.
Last Updated : 2026-09-19 Read more