Kapatid ng pasyente?Naka-helmet?Napapikit si Rowan matapos maalala ang babae sa big bike.Bakit ba iyon agad ang pumasok sa isip niya? Ang dami namang babaeng nag-mo-motor!Isa pa, napatunayan na niya na hindi iyon ang asawa niya.D*mn it!Kung ibang babae, ibig sabihin, nasa village din ang posibleng panganay na anak ng mga Natividad.F*ck!Iisa-isahin pa ba niya ang mga nakatira doon?"Pabantayan ko ba para mahuli na, Boss?" tanong muli ni Jeric."Hmm.... pwede mo ba akong send-an ng picture? Iyong kuha sa ospital," madiing utos niya dahil hindi siya matatahimik."On it, Boss," tugon nito at ilang tipa lang, pumasok na sa email niya ang picture.Binaba niya sa mesa ang cellphone at ni-loudspeaker para lang matingnan agad ang pinadalang larawan ni Jeric.Kunot ang noo niyang ni-zoom ang larawan. Tumigil ang paghinga niya sa ere.Ang balingkinitang katawan nito, porselanang kutis, itim na crop top shirt at leather short, at isang black full-face helmet.... lahat iyon, kaparehong-kap
Last Updated : 2026-09-15 Read more