Napalapit si Vivienne kay Rowan. Marahan niyang hinila ang braso nito."Halika na sa kwarto, Hubby. Pagbibigyan na kita," nakangiting yaya niya ngunit inis na binawi ni Rowan ang braso."Rowan..." nakalabing bigkas ni Vivienne, hindi makapaniwalang tinatanggihan talaga siya nito.Marahas na huminga si Rowan. Paninindigan niyang hindi niya talaga ito hahawakan."Do what you want, but don't go out," muling paalala ni Rowan bago muling maglakad."Let's go, Gambo. I don't wanna waste my time," malamig na bigkas nito.Nanlumo si Vivienne at pinanood na lang itong lumabas ng mansyon.Mabigat siyang napabuga ng hangin."Hayaan mo na, Madam. Uuwi din naman si Boss," pampalubag loob ni Matet sa kanya.Pumikit si Vivienne, "Sundan ko kaya siya, Matet? Manghihingi ako ng sorry."Agad na pinigilan siya ni Matet, "Naku, huwag mong gawin 'yan, Madam. Baka lalong magalit si Boss."Bumagsak ang mga balikat niya.Tama ito pero....Lumakad siya sa may bintana at sinilip ang papalayong sasakyan ni Rowan
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-11 Mehr lesen