"Stop that," mahinang utos sa kanya ni Rowan kaya't tinigil niya ang pagdila sa braso nito."Sorry, na-carried away lang. Akala ko dati akong pusa," lusot niya na kinailing nito."Save it for later," imbis ay bigkas nito.Bigla tuloy siyang napakurap. Later? Bakit? Anong meron? Sisingilin na ba siya nito?"Sisingilin mo na ko dahil lang dinilaan kita? Gusto ko lang naman ipakita sa iba na akin ka," may halong inis niyang paliwanag.Napatigil agad si Rowan sa narinig, "What did you say? Sa'yo ako?" May multo na agad ng ngisi sa labi ni Rowan."So possessive, Misis Montesor," nangingising bulong pa ni Rowan.Nag-init ang mga pisngi ni Vivienne, "Joke lang iyon. Sabi mo nga di ba, bawal MA-INLOVE?" pinagdiinan niya pa ang huling salita.Umangat ang gilid ng labi ni Rowan, "I don't remember saying that anymore. Kailan ko pa sinabi 'yon? Hindi ko na maalala," tapos ay tuluyan na itong ngumiti nang malaki.Literal na napatanga si Vivienne at nakatitig sa nakangiting si Rowan.Anong ibig sab
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-19 อ่านเพิ่มเติม